top of page

Basag na Alkansya

"Alila"

Mabubuo pa ba?
Ang pagkataong nabasag at nasira?
Kung ang mga taong tinulungan mo,
Ngayon ay kinalimutan kana?

​

Mabubuo pa ba?
Ang buhay ng taong inalila nila?
Naglaho silang parang bula
Ikaw ba’y kanila pang naaalala?

Kailangan mong lumaban


Para sayo, di para sa kanila.
Dahil sa iyong sarili
Tanging ikaw lang ang magsasalba.

Masakit mang isipin.


Mahirap mang tanggapin.
Ngunit may mga tao talagang gagamitin ka lang
At iiwan ka kapag tapos na sila

 

bottom of page