top of page

Basag na Puso

Anong nangyari?
Noo’y masaya tayong nagmamahalan,
Sa piling ng bawat isa’y, 
Kuntento na.

 

Anong nangyari?
Sa pag-ibig na ating binuo.
Pag-ibig na noo’y,
Tila pang walang hanggan na.

 

Anong nangyari?
Sa mga alaalang ating pinaka-iingatan,
Kasiyaha’t kalungkuta’y,
Noo’y sabay nating binabaybay. 

 

Anong nangyari?
Sa mga pangakong ating binitawan.
Pangakong panghabangbuhay,
Pangakong noo’y walang makasisira.

 

Tila lahat ng ito’y,
Alaala na lamang.
Alaalang dapat ko nang…
Kalimutan at ibaon sa limot.

“Alaala Na Lamang”

©2016 B A S A G  Collection. Proudly created with Wix.com

bottom of page