top of page

Basag na Plato

"Palasyo"

Nabuhay ako sa bahay na parang palasyo.
Di man ito ganon kagara o kagarbo,
puno naman ito ng kasiyahan at kagalakan
at may hari at reyna ditong nagmamahalan.

 

Sa tahimik at masayang himig na naririnig ko,
Namulat ako sa mataas na lugar ng palasyo.
Ngunit lahat nga pala ng nasa itaas
ay may maaring malaglag at magkabangas.

 

Ang taimtim na musika sa aking paghimbing
ang napalitan ng ingay na para akong nililibing.
Ang dating palasyong puno ng kasiyahan
ay pinuno na ng masidhing kalungkutan.

​

Ang hari at reyna na nagmamahalan
at ang palasyo na puno ng kasiyahan
Sa di inaasahan ay bigla ng nasira
ng bagyong mapinsala at mapanira.

​

Ang dating nasa mataas na posisyon
ay nalaglag at nabasag na ngayon.
Ang dating buo at walang lamat
ay mistulang malaking kalat.

​

Nagkapirapiraso. Nagkagulo gulo.
Hinayaan nalamang ito. Wala ng bumuo dito
at ang hari at reyna na noo’y nagmamahalan
ay parang kapwa estranghero na di nagkakilala kailanman

 

bottom of page