top of page
Basag na bote
"Ligaw"
Noon ang buhay ay makulay
ngunit ngayon ay parang walang buhay.
Wala ng sagot sa mga katanungan,
sa kinabukasan ba’y may patutunguhan?
Magulang ko’y ginawa na ang lahat
Ngunit eto ako ngayo’y salat
Pagmamahal na kanilang pinadama
ang sinukli ay hapdi’t parusa.
​
Kay raming kabataan na di maintindihan
Rebelde ,sutil,yan ang bansag ng karamihan
Sa bisyo ibinaling, nakahanap ng sandalan
Ang saya na kahit kalian na di pa nakakamtam.
​
Oh pusong,dati’y puno ng sigla
Ngayo’y ano pa’t malala na.
Pangarap unti- unting naglalaho,
buhay ka’y rangya biglang gumuho.
​
Pagsisisi ang nararamdaman
Di alam kung pano sisimulan
Pagbabago ang nais makamtam
Di alam ang patutunguhan.
bottom of page