Short Story
Kawalan
Mag isa. Nakatingin sa kawalan. Sa kwarto kong parang kawalan , na dati kong tinawag na palaruan ngunit nawalan na ng pagmamahalan dito sa lugar na ito kaya ninais na tawaging kawalan. Ingay. Ingay lang ang naririnig ko. Magulo. Magulo ang paligid na tila ba walang katapusan.Kinuha ko ang earphones at nagsimulang magpatatugtog. Isang kanta. Dalawa. Tatlo. Apat. Hanggang sa umabot ng sampu. Naisipan kong itigil ito.Pansamantala. Pansamantala akong tumitig sa kisame ng kwarto at maya maya'y unti-unti nang bumabagsak ang mata ko.
Ang mga mata ko na pagod na pagod. Pagod , di lamang sa pisikal ngunit pati sa emosyonal.Tulog na ako ngunit tila'y may bumabagabag maging sa aking paghimbing. Natutulog parin ako ngunit… may bumagsak.Bumuhos at tumulo. Bumuhos ang mga luha kahit ang mga mata ko'y pikit at natutulog parin.Tumulo ang mga mahahapding luha na akala ko’y naubos na.
Isang oras. Dalawa. At tatlo. Nagising na ako. Habang magisa sa dilim, umuulit pa ang masasayang pangyayari sa buhay ko. Tila ba pelikula ito sa utak ko na paulit ulit na “Now Showing” dito. Naalala ko noong masayang masaya pa kami ng pamilya ko at noong nariyan pa ang taong inakala kong hindi ako iiwan. Dito sa aking silid, dito ko lang nailalabas ang nararamdaman. Lahat ng sakit,dito ko rin binabalikan. Napansin ko ang pagkabasa ng aking mga mata dahil sa pagbugso ng luha ko. Pinunasan ko ito at… Umiyak muli. Bumuhos ang napakaraming luha sa aking mata. Hindi parin ako tumitigil. . Mahabang panahon narin ang lumisan pero hangang ngayon hindi ko parin nakakalimutan ang sakit.Oo.Hindi ko parin makalimutan ang sakit pero mas di ko makakalimutan ang ligaya. Habang tumatagal ay hindi iyon humuhupa… kundi ay lalong lumala. Mabigat. Sobrang bigat. Ang puso kong unti unti nang nadudurog sa mga nangyayari. Ilang minuto na ang lumipas at sa wakas ay tumigil na ito sa pagtulo. Pinunasan ko ang mukha. Tumayo ko at humarap sa salamin. Nilakasan ko ang loob ko ngunit habang tiningnan ko ang sarili ko ay pumatak na naman ang traydor kong mga luha. Agad kong itong pinunasan.”Hanggang kelan ba ako iiyak? Hanggang kelan ba ako magkukulong sa kawalan?”. Huminga ako nang malalim at sinabing “Huli na to”. Siguro nga ay sobra na tong sakit na nararamdaman ko. Inayos ko ang sarili ko at pumikit muna saglit at dali daling lumabas sa silid-tulugan at…
"TAMA NA!!!!" Sumigaw ako at humagulgol ulit sa iyak. Napatigil ang aking mga magulang sa pagbabangayan at napatingin.